Umaasa ang Department of Agricultre (DA) na aabot sa 20 milyong metriko tonelada ng bigas ang magiging produksyon sa bansa ngayon taon sa kabila ng epekto ng El Niño s sektor ng agrikultura.
“Hopefully, kahit may El Niño pa rin tayo ngayon, sa pamamagitan ng ating mitigation measures ay kaya pa rin nating maabot ‘yung 20 million metric tons,” ani Agriculture spokesperson, Asec. Arnel de Mesa.
Pagbabahagi ng opisyal may mga ikinasaka silang water managerment para maibawasan ang epekto ng El Niño.
Kabilang sa mga ginagawa nilang hakbang ang distribusyon ng small-scale irrigation projects at solar irrigation systems sa mga taniman na nasa dulot ng irigasyon at hirap sa suplay ng tubig.
Nabatid na base sa ulat, higit 20 ektaryang taniman sa Zamboanga Peninsula ang apektado na ng El Niño.