Bagong funeral chapels sa Las Piñas Public Crematorium and Columbarium bukas na

By Jan Escosio January 26, 2024 - 07:55 PM

Pinasinayaan ng pamahalaang-lungsod ng Las Piñas ang pagbubukas sa mga bago funeral chapels sa kanilang Public Crematorium at Columbarium.

Pinangunahan nina  Mayor Imelda Aguilar at Vice Mayor April Aguilar ang pagpapasinaya sa 11 bagong  funeral chapels sa Barangay Ilaya kahapon.

Ayon kay Mayor  Aguilar ang bagong funeral chapels ay bahagi pagpapalawak ng mahahalagang serbisyo ng lokal na pamahalaan para sa mga residente lalo na sa mga nangangailangan at salat sa buhay.

Dagdag pa niya, ang columbarium ay may kabuuang 3,500  nitso na kayang i-accommodate ang 14,000  urns.

Pagbabahagi pa ng opisyal, ang mga bagong burulan ay sadyang  ginawang “friendly” sa persons with disabilities (PWDs) sa pamamagitan ng paglalagay ng rampa sa likod para sa mas madaling access.

Nakapag-cremate na ng 1,200 na mga labi sa columbarium gamit ang dalawang makina, na may kakayahan na mag-cremate ng tig-apat na bangkay bawat araw.

Inalala din ni Mayor Aguilar ang namayapang asawa, si dating Mayor Vergel “Nene” Aguilar sa paglulunsad nito ng proyektong “Libreng Libing”  para maibsan ang hirap ng mga maralitang residente ng lungsod.

Idinagdag pa ni Aguilar na ang “libreng Libing” program ay kabilang sa paggamit ng libreng isa sa 11 bagong chapels sa columbarium sa loob ng tatlong araw at dalawang gabi na pananatili para sa burol ng namayapa.

TAGS: columbarium, crematorium, Las Piñas City, columbarium, crematorium, Las Piñas City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.