Pangulong Marcos Jr., bibisita sa Vietnam sa Lunes

By Jan Escosio January 26, 2024 - 01:53 PM

PCO PHOTO

Patungo sa Vietnam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, Enero 29 hanggang 30.

Sa pre-departure briefing sa Malakanyang, sinabi ni Asec. Aileen Mendiola-Rau ng Office of the Asian and Pacific Affairs na magkakaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Marcos at Vietnam President Vo Van Thuong.

Inaasahang tatalakayin ng dalawang lider ang maritime issues bukod pa sa  ibat-ibang usapin kabilang na ang malalim na kooperasyon ng dalawang bansa kasama ang pagtataguyod sa pamumuhunan at kalakalan.

Pag-uusapan din ng dalawang lider ang kooperasyon sa defense and security, maritime, at agrikultura.

Tatalakayin din ang kasunduan ng pag-angkat ng bigas ng Pilipinas sa Vietnam.

Sinabi pa ni Rau, na matagal ng sumusuporta ang Vietnam sa pangangailangan sa bigas ng Pilipinas.

Ayon naman kay Foreign Affairs spokesperson Teresita Daza na layunin ng dalawang araw na state visit ni Pangulong Marcos na palakasin pa ang bilateral relations ng dalawang bansa, kakausapin din ni Pangulong Marcos ang mga negosyante sa Vietnam at hihimukin na mamuhunan sa Pilipinas.

Target na makapagtakda ng $10 billion na halaga ng  pamumuhunan at kooperasyon ang Pilipinas at Vietnam para sa susunod na mga taon.

Mayroon ding nakalinyang pakikipagkita si Pangulong Marcos sa Filipino community.

May 7,000 Filipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa Vietnam karamihan ay mga propesyunal.

TAGS: Investment, rice, state visit, Vietnam, Investment, rice, state visit, Vietnam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.