Spain, kinumpirma ang unang sexually transmitted Zika case sa kanilang bansa
Kinumpirma ng health authorities ng Madrid Regional Community ang kauna-unahang sexually transmitted case ng Zika virus sa Spain.
Ang biktima ay isang babae at residente ng Madrid region.
Nagkaroon umano ng virus ang babae matapos ang pakikipagtalik sa partner nito, na kamakailan lamang ay galing sa Latin America, kung saan maraming kaso ng Zika.
Ang couple ay kapwa tumatanggap ng treatment, at sa kasalukuyan ay nasa maayos nang kundisyon.
Muli namang pinaalalahanan ng mga otoridad ng España ang mga residente nila na bumisita sa Latin America na kailangang maghintay ng walong linggo bago makipagtalik o ituloy ang sexual relations upang maiwasan ang transmission o paghawa ng Zika virus.
Base sa Spanish Ministry of Health, nasa 158 na ang kumpirmadong Zika cases sa Spain.
Dalawampu’t isa sa naturang bilang ay mga buntis, at dalawa sa kaso ay may malformed fetuses.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.