Pagbabalik ng dating school opening inaaral pa sabi ni DepEd Chief Sara

By Jan Escosio January 26, 2024 - 05:48 AM

INQUIRER PHOTO

Sumasailalim pa sa konsultasyon ang pagbabalik sa lumang school calendar, ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte.

“On the reversion of the School Calendar, we have recently conducted a consultation in the Central Office with various teacher organizations, parent-teachers associations, student leaders and other relevant groups,” ani Duterte.

Ibinahagi ito ni Duterte sa taunang Basic Education Report (BER), na ginanap sa Hotel Sofitel sa Pasay City.

“Consultations on the ground – at the Regional and Division levels – are currently ongoing. We are awaiting the results of the consultation,” dagdag pa nito.

Una nang ibinahagi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na sumang-ayon na ang DepEd na ibalik ang pagsisimula ng mga klase tuwing buwan ng Hunyo.

Ang pagbabalik ng dating school calendar ay magsisimula sa pagtatapos ng School Year 2023 – 2024, na sinasabing magtatapos ng mas maaga sa halip na sa Hunyo at ang simula naman ng SY 2024-2025 ay sa Hulyo sa halip na sa Agosto.

Ayon sa dalawang grupo, sa SY 2025 – 2026 ay magsisimula na muli tuwing buwan ng Hunyo.

TAGS: deped, Sara Duterte, school calendar, deped, Sara Duterte, school calendar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.