‘No-el’ posible dahil sa bangayan ng Senado, Kamara

SENATE PRIB PHOTO

Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na marami ang maaring mangyari kapag hindi nahinto ang bangayan ng Senado at Kamara. Aniya ang kanyang ikinakatakot ay magkaroon ng “political crisis” dahil sa patutsadahan ng mga senador at kongresista. Paliwanag ni Gatchalian kapag ganito ang nangyari posible na walang maipasang mahahalagang batas, hindi magkaroon ng eleksyon sa 2025, walang maipasang budget para sa 2025 at lubos na maaapektuhan ang mga programa, proyekto at serbisyo para sa mamamayan. Sinabi ng senador na isa lamang ang nakikita niyang mabilis na paraan para matigil ang bangayan ng mga mambabatas ng dalawang kapulungan at ito ay kung ititigil na ang pangangalap ng mga pirma para sa people’s initiative. Malaki din ang magagawa ni Pangulong Marcos Jr., kung magsasalita na siya sa kanyang tunay na nais mangyaring pag-amyenda sa Saligang Batas. Naibahagi din ng senador na sa Valenzuela City ay may mga pagtatangka na rin na makapangalap ng pirma para sa isinusulong na Charter change.

Read more...