Price ceiling sa bigas hindi mauulit ngayon 2024
Hindi nakikita ng Department of Finance (DOF) na mauulit ang ipinatupad na price ceiling sa bigas noong nakaraang taon.
Ayon kay Sec. Ralph Recto pagsusumikapan ng gobyerno na mapataas ang produksyon ng bigas para maibaba ang inflation.
Hindi naman aniya maisasantabi ang posibilidad na magkaroon ng isyu sa suplay ng bigas dahil sa ibat-ibang kadahilanan, kasama na ang tensyon sa Gitnang Silangan.
Aniya maaring makaapekto din sa inflation ang pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo.
Sinabi pa ni Recto na maaring pag-aralan ng Monetary Board ang lahat ng datos para sa angkop na desisyon at aksyon.
Noong nakaraang taon, itinakda ng Malakanyang sa P42 ang presyo ng kada kilo ng regular-milled rice, samantalang P45 naman sa qwell-milled rice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.