ASL magpapatibay sa posisyon ng Pilipinas sa WPS – Tolentino

By Jan Escosio January 25, 2024 - 05:48 AM

SENATE PRIB PHOTO

Naniniwala si Senator Francis Tolentino na kung magiging ganap na batas ang isinusulong na Archipelagic Sea Lanes (ASL) at tatanggain ng  International Maritime Organization (IMO), mapapagtibay nito ang posisyon ng Pilipinas sa pakikipag-agawan ng bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Binanggit ito ni Tolentino sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Special Committee on Maritime and Admiralty Zones para sa panukalang pagtatatag ng archipelagic sea lanes ng Pilipinas. Sa deliberasyon sa panukala, isinulong ni Tolentino ang pagsama sa isang probisyon na sesentro sa 2016 Arbitral Ruling, ang  tagumpay ng Pilipinas laban sa China sa Arbitral Tribunal. Mapapagtibay aniya nito ang posisyon ng Pilipinas sa pakikipag-agawan ng teritoryo. “Anything that would strengthen the awards and strengthen our position should be claimed kahit saang forum,” ani Tolentino.

TAGS: 2016 Arbitral Ruling, Senate, Tolentino, WPS, 2016 Arbitral Ruling, Senate, Tolentino, WPS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.