LTFRB susunod sa deadline extension sa PUVMP consolidation requirement
Tatalima ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagpapalawig ni Pangulong Marcos Jr., sa deadline ng “consolidation” ng public utility vehicles (PUVs).
Sinabi ito ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III matapos malaman ang naging desisyon ni Pangulong Marcos Jr.
Kayat hinihikayat ni Guadiz ang mga operators at drivers na samantalahin ang tatlong buwan na pagpapalawig ng extension.
Unang kinumpirma ni Communications Sec. Cheloy Garafil na sinang-ayunan ni Pangulong Marcos Jr., ang rekomendasyon na extension ni Transportation Sec. Jaime Bautista.
Ang LTFRB ay naghahanda na sa mga posibleng mangyari pagkatapos ng unang extension sa Enero 31.
Napa-ulat na maraming ruta ang mababawasan ang mga pumapasadang pampublikong sasakyan na magdudulot ng hirap sa mga pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.