Comelec: Cha-cha plebiscite posible sa 2026 pa

By Jan Escosio January 24, 2024 - 08:11 PM

FILE PHOTO

Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na ang nationwide plebiscite para sa Charter change o Cha-cha ay malabo na mangyari ngayon taon o kahit sa susunod na taon kundi posible sa 2026.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia kapos na sa oras at dalawang halalan pa ang magaganap sa 2025.

Aniya kung nakapaghain lamang ang  People’s Initiative for Reform, Modernization and Action (PIRMA) ng petisyon at may sapat na kailangan na bilang ng mga pirma ngayon buwan maaring maisagawa ang plebisito sa darating na Agosto.

Ngunit mangangailangan pa ang grupo ng hanggang tatlong buwan para makakuha ng kinakailangang walong milyong pirma mahihirapan nang makapagdaos ng plebisito ngayon taon.

Dagdag pa ni Garcia kailangan din nilang suriin ang petisyon, gayundin ang isusumiteng mga pirma.

 

TAGS: Cha-Cha, comelec, plebiscite, Cha-Cha, comelec, plebiscite

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.