Vice President Leni Robredo, hindi na umaasa sa mabibigyan ng posisyon sa Gabinete

leni - duterteHindi na umaasa si Vice President Leni Robredo na mabibigyan siya ng Cabinet position sa ilalim ng Duterte Administration.

Ayon kay Robredo na siya ay handa pa ring tumulong kahit hindi mabigyan ng posisyon sa gabinete. Dagdag pa niya ang pagkakaroo ng Cabinet position ay isang bonus pero handa pa rin siyang magtrabaho kahit wala nito.

Nauna ng ipinahayag ni President Rodrigo Duterte na ayaw niyang masaktan ang loob ni outgoing Senator Bongbong Marcos na natalo sa pagkabise presidente.

Unang beses na nagkita si Duterte at Robredo noong Biyernes sa turnover ceremony ng Armed Forces of the Philippines sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Maglalagay si Robredo ng mga satellite office maliban sa mismong Boracay Mansion sa Quezon City na siyang magiging official residence ng bise presidente.

Sinabi ni Robredo na magre-request sila ng budget para sa mga satellite office dahil hindi pa ito kasama sa kabuuang budget ng Office of the Vice President.

Read more...