Mga ruta na kakapusin sa mga dyip ipinalalabas sa LTFRB ni Sen. Grace Poe
Sinabi ni Senator Grace Poe na dapat ay isapubliko ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang listahan ng mga ruta na maaring kapusin sa mga papasadang jeepney.
Ayon kay Poe sa halip na ibuhos ng LTFRB ang kanilang atensyon sa mga jeepney na wala pa sa “consolidation program” makakabuti kung bibigyang prayoridad ang mga plano para matiyak na hindi mahihirapan ang mga pasahero simula Pebrero 1.
“Every day, we hear commuters express their anxiety about the possibility of the lack of PUVs or spending more for alternative modes of transportation, which many would find painful on the pocket,” ayon sa namumuno sa Senate Committee on Public Services.
Dagdag pa niya mistulang si “Kamatayan” ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) sa mga operator at driver na nananatiling walang kooperatiba dahil sa ibat-ibang kadahilanan, kasama na ang masyadong mataas na halaga ng modern jeep.
“Para saan pa ang PUV modernization kung hindi ito maipapatupad nang maayos, at kung ang kapalit ay pahirap sa ating mga kababayang commuter at sa maliliit na driver,” sambit pa ng senadora.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.