Quezon Provincial Hospital nabiyayaan ng bagong CT scanner

Pinagkalooban ni Ramon S. Ang, ang presidente at chief executive officer (CEO) ng San Miguel Corporation (SMC) ng bagong Fujifilm Supria 128 slice computerized tomography (CT) scanner ang  Quezon Provincial Hospital Network-Quezon Medical Center (QPHN-QMC).

Ginagamit ang 128 slice CT scanner para malaman kung ang pasyente ay may cancer, sakit sa puso, sakit sa baga, stroke, at iba pa.

Tinanggap at labis na nagpasalamat si Gov. Helen Tan sa donasyon dahil mas maisasakatuparan ang kanyang adbokasiya na maa­yos at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan sa kanyang mga kababayan.

“Sa kauna-unahang pagkakataon, mayroon na po tayong mataas na dekalidad ng CT Scan na magagamit ng mga pasyente mula sa ating lalawigan at mga kalapit-probinsya,” ani Tan.

Ibinahagi din ng opisyal na pinagkalooban din sila ng SMC ng mammogram machine para sa maagang detection ng breast cancer sa mga kababaihan.

“Ito po ay bukas para sa lahat, lalo na sa ating mga nahihirapan at walang kakayahang magbayad na mga kababayan,” sambit pa ni Tan.

Read more...