P1,000 indigent senior citizens pension ibibigay simula Pebrero 1

INQUIRER PHOTO

Simula sa darating na Pebrero 1, tatanggap na ng P1,000 monthly social pension ang mga kuwalipikadong mahihirap na senior citizens sa bansa.

Ito ang sinabi ni Social Welfare Asec. Romel Lopez at aniya inaasahan nila na ang pamamahagi ng pensyon para sa unang semester ng taon ay magsisimula sa susunod na buwan.

Aniya ang pondo para sa dagdag sa buwanang pensyon ay nakapaloob na sa budget ng kagawaran ngayon taon.

Ang pagtaas ng pensyon sa P1,000 mula P500 ay alinsunod sa RA 11916 o ang Act Increasing the Social Pension of Indigent Senior Citizenna naging batas noon pang Hulyo 2022.

Samantala, hiniling naman ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes sa DSWD na ibigay na ang paunang P6,000 monthly social pension ng mga kuwalipikadong senior citizens simula sa Marso o mas maaga.

Kasunod na rin ito nang pagkumpirma ng DSWD na nakapaloob sa kanilang 2024 budget ang P49.8 bilyon para sa mas mataas na pensyon ng indigent senior citizens.

Ayon pa sa mambabatas ang pensyon ay pandagdag sa mga pangangailangan ng mga kuwalipikadong benepisaryo, partikular na para sa kanilang kalusugan.

 

Read more...