Sonshine Media muling sinuspindi ng NTC

By Jan Escosio January 23, 2024 - 11:29 AM

INQUIRER PHOTO

Muling ipinahihinto ng National Telecommunications Commission (NTC) ang operasyon ng Swara Sug Media Corporation, na kilala bilang Sonshine Media Network International (SMNI) matapos na balewalain ang unang suspension order dahil sa mga sinasabing paglabag sa kanilang prangkisa.

Sa inilabas na pahayag ng NTC na may petsang Enero 18, sinabi na sa kabila nang naunang 30-day suspension order, nakatanggap sila ng mga ulat na nagpatuloy ang operasyon ng SMNI sa ilang lugar sa Calabarzon Region hanggang noong nakaraang Disyembre 27.

Ipinunto din na hindi pa nagsusumite ng tugon ang SMNI sa naunang suspension order sa kabila nang pagpapalawig hanggang noong Enero 15.

Nagsumite naman ang SMNI ng mosyon para sa bill of particulars noong Enero 11 ngunit ibinasura ito ng NTC.

Inutusan ang SMNI na itigil ang operasyon ng kanilang radio at TV stations habang nagsasagawa ng pagdinig sa kanilang kasong administratibo.

Binigyan din ito ng 15 araw para ipaliwanag ang kabiguan na makasunod sa suspension order.

 

TAGS: NTC, SMNI, suspension, NTC, SMNI, suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.