LTFRB tiniyak ang sapat na PUVs sa kalye sa Pebrero 1

INQUIRER PHOTO

Maaring mababawasan ang bilang ng mga pampublikong sasakyan na papasada sa Pebrero 1, ngunit pagtitiyak ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga mananakay na hindi kakapusin ang public utility vehicles (PUVs) mga kalsada.

Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na may dalawa silang “backup plans.”

Isa ang pagpapakalat ng rescue vehicles at ikalawa ay ang pagpasada ng mga jeep sa mga ruta na kapos ang mga pumapasadang sasakyan.

Simula sa Pebrero 1, hindi na papayagan ang mga PUVs na kabilang sa “consolidation plan.”

Maglalabas din sila ng special permits para sa mga PUVs na maaring pumasada.

Pagbabahagi pa ni Guadiz nakipag-ugnayan na sila sa mga lokal na pamahalaan at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hinggil sa mga maaring mangyari sa naturang araw.

Samantala, ayon sa PISTON higit 500 PUVs ang hindi na makakapasada sa Pebrero 1 at ito ay “transport disaster” sa Metro Manila.

 

Read more...