Tamang pag-iisip ng mga senador sa Cha-cha, dasal ni Villar

By Jan Escosio January 23, 2024 - 06:01 AM

FILE PHOTO

Hiniling ni Senator Cynthia Villar na bigyan silang mga senador na bukas at malinaw na pag-iisip ukol sa isinusulong na pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Ginawa ito ni Villar nang pangunahan niya ang opening prayer sa pagsisimula muli ng sesyon kahapon ng hapon.

“Dear Lord, we seek discernment and courage as we deliberate on Charter change initiatives. May our collective action resonate with the true voice of the Filipino people, maintain the integrity of our Constitution and uphold the checks and balances that fortify our democracy,” dasal ni Villar.

Dagdag pa niya; “Let our decisions be grounded in your will, aligned with the democratic principles that are the foundation of our nation, keep us vigilant in preserving transparency and true representation and in protecting our nation from the perils of self-interest and deceit.”

Ipinalangin din niya na hindi dapat mangibabaw ang mga personal na interes ng iilan sa mga pangangailangan ng sambayanan.

Kasunod nito ay nagkaroon ng caucus ang mga senador ng tatlong oras.

Nang magbalik ang sesyon, ipinasa na ang Joint Resolution No. 6, na ang layon ang maamyendahan ang “economic provisions” ng Saligang Batas, sa  Senate Committee on Constitutional Amendments na pinamumunuan ni Robinhood Padilla.

TAGS: caucus, Cha-Cha, cynthia villar, Senate, caucus, Cha-Cha, cynthia villar, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.