Taas-presyo sa gasolina, diesel bukas

By Jan Escosio January 22, 2024 - 06:33 PM

FILE PHOTO

Magpapatuloy bukas ang pagtaas ng presyo ng mga produktong-petrolyo.

Sa magkakahiwalay na abiso ng mga kompaniya ng langis, P1.30 ang madadagdag sa halaga ng kada litro ng gasolina, samantalang P0.95 naman sa diesel o krudo.

Walang magiging paggalaw sa presyo ng kerosene.

Noong nakaraang linggo, P0.30 sentimos ang nadagdag sa halaga ng gasolina, samantalang P0.90 naman sa diesel at kerosene.

Ang paggalaw sa mga presyo ay bunga ng halaga ng langis sa pandaigdigang-pamilihan.

Ang pagtaas ay magsisimula mamayang alas-12:01 ng hatinggabi sa ilang gasolinahan, samantalang karamihan ay bukas ng ala-6 ng umaga gagalawin ang mga presyo ng kanilang gasolina at krudo.

TAGS: diesel, gasoline, kerosene, oil price hike, diesel, gasoline, kerosene, oil price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.