Villanueva sa publiko: Isumbong ang suhol sa pirma para sa Cha-cha
Umapila si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa publiko na isumbong ang anumang uri ng panunuhol ng mga nagpapapirma ng petisyon para maamyendahan ang Saligang Batas sa pamamagitan ng people’s iniative.
Sa video message mula sa kanyang tanggapan, sinabi ni Villanueva na layon ng hakbang na balewalain ang Senado.
“It is my duty as an employee of the Senate to inform you about the widespread and outright signature campaign to dismantle the Senate, remove check and balance and the term limit of politicians,” aniya.
Dagdag pa niya; “Kung meron pong nagoyo, nabudol, gustong magreklamo at bawiin ang kanilang pirma, huwag po kayong matakot magsumbong. Magpadala o magpost ng video, picture o screenshot ng mga text ng panunuhol.”
Hinikayat niya ang mga magsusumbong na ibahagi sa kanila ang kanilang pangalan, tirahan at contact details upang sila ay matulungan at maipagtanggol ang kanilang mga karapatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.