Ex-Tiaong Mayor Ramon Preza humarap sa reklamong graft sa Ombudsman
Dumalo si dating Tiaong, Quezon Mayor Ramon Preza sa isinagawang clarificatory hearing ng Ombudsman sa reklamo sa kanya na paglabag sa Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Gayunpaman, tumanggi si Preza na magbigay ng pahayag sa mga mamamahayag ukol sa mga reklamo sa kanya.
Isinampa ni Tiaong Vice Mayor Roderick Umali ang mga reklamo na nag-ugat sa tatlong ekytaryang lupain ng R.A Preza Realty and Development Corp, na pag-aari ni Preza.
Inakusahan ni Umali si Preza na paggamit ng kanyang posisyon at impluwensiya upang ma-“reclassify” ang lupain.
Naibahagi din sa impormasyon ng mga reklamo na nabigyan ng business permit ang Ramonica Foods Corp., na nagmamay-ari ng isang sangay ng sikat na fastfood store at kung saan chairman of the board, president at major stockholder si Preza.
Diin lang ni Umali na malinaw na may “conflict of interest” sa sa mga nangyari dahil ginawa ito ni Preza noon siya pa ang namumuno sa lokal na pamahalaan ng Tiaong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.