“Show of Support Day” kay PBBM palaisipan kay Imee

By Jan Escosio January 22, 2024 - 06:12 AM

FILE PHOTO

Pinagdududahan ni Senator Imee Marcos ang motibo sa support rally na ikakasa para Pangulong Marcos Jr., sa darating na Enero 28, araw ng Linggo.

Pagbabahagi ni Marcos na nasorpresa siya nang makatanggap ng abiso ukol sa pagtitipon para magpakita ng suporta sa kanyang nakakabatang kapatid.

Aniya malaking palaisipan sa kanya ang tunay na hangarin at pakay ng gagawing pagtitipon.

Hinala ng senadora maaring ang pagtitipon ay pakana ng mga “insecure” o para ipakita ang suporta sa Punong Ehekutibo kasabay ng mga umuugong na planong pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon.

Ayon kay Marcos wala siyang naririnig mula sa hanay ng militar na masamang balakin laban sa kasalukuyang gobyerno.

Ibinunyag pa nito na nalaman niya na malaking “hakutan” ang mangyayari  dahil maging ang mga kawani ng gobyerno ay obligado na dumalo at magbibigay ng libreng transportasyon, pagkain at maging ang kanilang pagpasok ng araw ng Linggo ay babayaran.

TAGS: Rally, Sen. Imee Marcos, Support, Rally, Sen. Imee Marcos, Support

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.