Pagbabalik ng school opening sa June sinabi ni Sen. Nancy Binay na pag-aralan muna

FILE PHOTO

Makakabuti ayon kay Senator Nancy Binay na ibalik na pag-aralan munang mabuti kung ibabalik muli sa buwan ng Hunyo ang pagsisimula ng mga klase sa bansa.

Aniya dapat ay ibatay sa siyensa ang petsa ang pagsisimula muli ng mga klase.

Pagpapaalala lamang ni Binay na isa sa mga dahilan nang paglilipat ng school opening sa buwan ng Agosto ay upang makaiwas ang mga mag-aaral sa mga bagyo.

Dagdag pa ng senadora na nararapat lamang na anuman ang mapagdesisyonan ay gagawing permanente na at hindi na kailanman babaguhin.

Nararapat lamang din na sa pagdedesisyon ay isalang-alang ang panahon at nabanggit niya na napakahirap mag-aral sa tag-init lalo na ngayon nakakaranas ng El Nino sa bansa.

Bukod dito, dapat ay pag-aralan din ang mga disenyo ng mga silid-paaralan para komportable ang mga estudyante sa pag-aaral anuman ang panahon.

Read more...