Zubiri, Villanueva: Jinggoy patuloy lang na magta-trabaho bilang senador
Sinabi ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na kinikilala at inirerespeto ng Senado ang naging desisyon ng Sandiganbayan sa mga kinaharap na kaso ni Senator Jinggoy Estrada.
Aniya may mga magagawa pa naman mga legal na hakbangin si Estrada, aniya ay ibinoto ng 15 milyong Filipino.
Bagamat napatunayang inosente sa kasong plunder o pandarambong, “guilty” naman ang naging hatol sa senador sa mga kasong direct bribery at indirect bribery.
Ayon pa kay Zubiri maaring maghain ng motion for reconsideration si Estrada o umapil sa Korte Suprema.
“We believe that Senator Jinggoy has the right to pursue all legal remedies concerning the verdict. It is not yet final and executory. Thus, he can continue to fulfill his duties as a duly elected Senator of the Republic,” sabi pa ni Zubiri.
Samantala, ganito din ang posisyon ni Senate Majority Leader Joel Villanueva at aniya patuloy na magagampanan ni Estrada ang kanyang mga tungkulin bilang mambabatas ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
“We firmly believ that he will continue to stay focused on his job and carry out his duties and responsibilities in service to the nation,” sabi pa ni Villanueva.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.