JV sinabing patuloy ang pagdadasal para kay Kuya Jinggoy

FILE PHOTO

Nanawagan si Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito sa publiko na irespeto ang naging hatol ng Sandiganbayan sa kanyang nakakatandang kapatid, si Senator Jinggoy Estrada.

Pinawalang sala ng Sandiganbayan si Estrada sa kasong plunder kaugnay sa “pork barrel scam” makalipas ang isang dekada

“Our justice system, despite its imperfection, is there to maintain law and order, protect our rights, and provide justice,” ani Ejercito.

Naniniwala din si Ejercito na gagawin lahat ng legal na hakbang ng kampo ng kanyang kapatid para mabaligtad ang “guilty verdict” sa mga kasong direct bribery at indirect bribery.

Aniya patuloy din niyang ipagdadasal ang kanyang nakakatandang kapatid at pamilya nito.

Read more...