Diwalwal landslide death toll umakyat sa 10

By Jan Escosio January 19, 2024 - 04:34 PM

MONKAYO LGU PHOTO

Nasa 10 na ang bilang ng mga nasawi sa lanslide sa Monkayo, Davao de Oro matapos makuha ang bangkay ng mag-iina mula sa gumuhong tone-toneladang lupa ngayon araw.

Nahukay ang ang mga katawan nina Catherine Gumatin, 27 at ang mga anak niyang sina Cristelle, 10; Hannah, 9; Ailee, 9; Dysna, 3, at iang isang taong gulang na si Arjay.

Ang iba pang nasawing residente ng Barangay Mt. Diwata ay sina  Marjomie Nenaria, 33; Agnes Bitoon, 44; Elvera Saldua, 35 ; at  Ritchel Reboldad, 35.

Pinaghahanap pa ang 36-anyos na si Rommel Gumatin at ang mga nasugatan naman sa trahedya ay sina  Dexter Cruda, 49; Bernadeth Cruda, 51; at Amara Kate Delola, isang taong gulang.

Inihinto na pansamantala ang search and retrieval operations alas-3 ngayon hapon dahil aabot sa 20 kilometro ang biyahe pabalik ng rescue teams.

Nabatid na noong Martes, kabilang ang pamilya Gubatin sa mga lumikas dahil sa pangamba ng landslide ngunit umuwi din sila kahapon.

TAGS: Davao, landslide, Davao, landslide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.