Inosente sa kasong pandarambong si Sen. Jinggoy Estrada, ayon sa Sandiganbayan 5th Division.
Ito ay kaugnay sa P10 billion Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam na iniuugnay sa negosyanteng si Janet Lim Napoles.
Kasabay nito, guilty naman ang naging hatol kay Estrada sa mga kasong direct bribery at indirect bribery matapos maakusahan nang pagtanggap ng P183 milyong “kickbacks” mula sa mga pekeng proyekto.
Sa mga naturang kaso ay nasentensiyahan siya ng pagkakakulong na 8-9 taon at 2-3 taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.