Angal sa buwis ng industriya ng pelikula tinugunan ng DILG

By Jan Escosio January 18, 2024 - 07:47 PM

Tiniyak ni Interior Secretary Benhur Abalos na tutulungan ang local film producers sa kanilang hinaing ukol sa mga binabayarang buwis gayundin ang pamimirata ng mga pelikula.

Nakipagpulong kanina si Abalos sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ni Tirso Cruz III at sa mga kinatawan ng  local entertainment industry.

Nagpahiwatig pa ang kalihim ng  three-year moratorium sa koleksyon ng amusement taxes ng  local governments units (LGUs) mula sa film producers.

“Meron na silang VAT, meron pa silang amusement taxes. VAT is 12 percent, (amusement) tax is 10 percent at kung nagsho-shooting sila, kaliwa’t-kanan na permits ang kailangan nila,” ani Abalos.

Nangako ito na kakausapin at kukumbinsihin ang mga lokal na opisyal na ipatupad ang moratorium para mapalakas na ang indutriya ng paggawa ng pelikula.

Nanawagan din si Abalos sa mga lokal na pamahalaan na mapadali ang pagkuha ng permits na kakailanganin para sa paggawa ng mga pelikula.

 

 

TAGS: benhur abalos, DILG, pelikula, tax, benhur abalos, DILG, pelikula, tax

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.