DOLE nangako ng P30,000 tulong pangkabuhayan sa tatamaan ng PUVMP

By Jan Escosio January 18, 2024 - 05:30 PM

Ipinangako ng  Department of Labor and Employment (DOLE) na magbibigay ng P30,000 halaga ng “in-kind assistance” sa  jeepney drivers na maaapektuhan ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Sinabi ni Sec. Bienvenido Laguesma na ang handog nilang tulong ay ang “enTSUPERneur,” para sa pangkabuhayan ng mga driver.

Ito ay maaring pagtitinda ng bigas, sari-sari store, food stall, pag-aalaga ng mga hayop, pang-agrikultura at pananahi.

“Itong taon na ito, mayroon pong naka-lineup na 1,500 transport workers na nagnanais ding makakuha, na habang nagnanais silang sana tuloy-tuloy ang kanilang talagang pangunahing hanapbuhay, ay matulungan natin, magabayan natin na mayroon silang alternatibong pagkakakitaan,” pagbabahagi ng kalihim.

Mayroon na rin aniya 4,500 public transportation workers na nakatanggap ng tulong na nagkakahalaga ng P123 milyon.

“Mayroon din nga pong direktiba ang ating Pangulong Bongbong Marcos Jr. na mag-converge ang mga departamento na mayroong resources na pwedeng pagsama-samahin at matulungan po yung mga apektadong manggagawa,” ayon pa sa kalihim.

TAGS: DOLE, drivers, livelihood, PUVMP, DOLE, drivers, livelihood, PUVMP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.