Rotational blackouts hindi dapat parte ng buhay ng tao – Poe

By Jan Escosio January 18, 2024 - 05:17 PM

FILE PHOTO

Pinakikilos ni Senator Grace Poe ang gobyerno, National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), at ang mga pribadong negosyo para matigil na ang nararanasang “rotational blackouts” sa Western Visayas.

“The rotational blackout in parts of Western Visayas must be addressed before darkness engulfs the region anew,” sabi ni Poe.

Sabi pang namumuno sa Senate Committee on Public Services dapat ay bilisan ng mga kinauukukalan na masolusyonan ang problema kung ito ay dahil sa isyu sa supply, generation o transmission.

Una nang nagbabala ang NGCP na maarin maulit ang pagkawala ng suplay sa Panay dahil hindi pa rin nareresolba ang isyu sa mga planta ng kuryente.

Kagabi nawalan ng kuryente sa Negros at Panay sub-grid dahil sa “unscheduled manual load dropping (MLD).”

Himutok na lamang ng senadora na ang blackouts ay nangyayari habang iniimbestigahan pa sa Senado ang nangyaring blackout sa Panay Island pagpasok ng bagong taon.

“Households, schools, businesses, government offices suffer immensely, and activities come to a halt without power,” sabi pa ni Poe.

TAGS: bl;ackout, grace poe, bl;ackout, grace poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.