Labi ni Robert Hall, natagpuan sa Sulu

robert hallNatagpuan na ang labi ng Abu Sayyaf kidnap victim, ang Canadian na si Robert Hall sa Sulu ngayong umaga, tatlong lingo matapos ang pagpugot dito.

Ayon kay Maj. Filemon Jr., tagapagsalita ng Western Mindanao Command, ang labi ni Hall ay nahukay sa Barangay Upper Kamuntayan sa Talipao bandang 11:35 a.m.

Natagpuan ang bankay ni Hall ng tropa ng Joint Task Group (JTG) Sulu matapos makatanggap ng impormasyon sa mga residente. Dagdag pa ni Tan, dinala na sa JTG Sulu Headquarters sa Barangay Busbus sa Jolo, Sulu ang labi ni hall para sa isasagawang documentation bagoi-turn over sa PNP-SOCO.

Matatandaang pinugutan ng ulo si Hall ng Abu Sayyaf Group noong June 13 matapos bigong maibigay ang ransom money na kanilang hinihingi.

Narekober ang ulo ni Hall sa paerhong araw sa harap ng Jolo Cathedral. Si Hall ang pangalawang bihag ng Abu Sayyaf Group na dinukot sa Samal Island na pinugutan ng ulo kung saan nauna ng pinugutan ang kapwa Canadian national na si John Ridsdel noong April.

Sa kasalukuyan nanatiling bihag ng bandidong grupo ang Norweigian national na si Kjartan Sekkingstad matapos palayain noong June 24 ang Pilipinag bihag nila na si Marites Flor.

Read more...