Kalidad ng Ph maritime industry pinaaangat ni Pangulong Marcos Jr.
Gusto ni Pangulong Marcos Jr., na umangat pa ng husto ang kalidad ng maritime industry sa bansa.
Kayat inatasan niya ang Maritime Industry Authority (Marina) para gumawa ng mga kinauukulang hakbang para makasabay ang sektor sa pandaigdigang pamantayan.
Puna ni Pangulo Marcos Jr., marami sa mga alintuntunin at operasyon sa industriya ang luma at may kakulangan “unified system.”
Kaya aniya ang kailangan dapat magkaroon ng standardized system na nakabatay sa international system at ng sa gayon ay makasabay sa international counterparts ng Pilipinas.
Napakahalaga aniya na magawa ito dahil sa mga kompetisyon sa international maritime industry at hindi dapat mapag- iwanan ang Pilipinas
Bukod dito ay napuna din ng Presidente ang mataas na shipping cost sa bansa kung ikukumpara sa ibang nasyon na mas mura tulad na lamang mula sa Hong Kong patungong Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.