Pinakamababang temperatura sa Metro Manila kaninang umaga

By Jan Escosio January 18, 2024 - 10:53 AM

JAN ESCOSIO PHOTO

Bumaba sa 20.1 degrees celsius (°C) ang lamig ng hangin kaninang umaga at ito na ang pinakamalamig ngayon taon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)

Naitala ang naturang temperatura ala-5  sa Science Garden sa Quezon Cityat mas malamig ito sa naitalang 20.2°C  noong nakaraang Enero 14.

Noong Enero 17 naman naitala ang pinakamalamig sa Baguio City sa 12.4°C.

Ang iba pang lugar na nakaranas ng mababang temperatura ay sa  Basco, Batanes (17.4°C); Casiguran, Aurora (18°C); Tanay, Rizal (18.1°C); Abucay, Bataan (18.6°C); Laoag City, Ilocos Norte (19.2°C); Tuguegarao City, Cagayan (19.6°C); Clark, Pampanga (19.9°C); at  Mulanay, Quezon (20°C).

Ayon kay PAGASA weather specialist Benison Estareja ang mababang temperatura ay dulot ng bugso ng amihan.

 

TAGS: amihan, cold temperature in metro manila, Pagasa, amihan, cold temperature in metro manila, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.