Bago matapos ang 2023, may 47 porsiyento ng mga pamilyang Filipino ang ikinunsidera ang sarili na mahirap.
Base ito sa resulta ng 4th Quarter survey ng Social Weather Station (SWS) na isinagawa noong nakaraang Disyembre 8 hanggang 11.
May 20 porsiyento naman ang nagsabi na sila mahirap at 33 porsiyento ang nagsabing hindi nila maituring ang pamilya na mahirap o hindi mahirap.
Kung ikukumpara sa naitala sa September 2023 survey, halos hindi gumalaw ang nagsabing sila ay mahirap, samantalang bumaba ng limang puntos mula sa 25 porsiyento ang nagsabi na hindi sila mahirap.
Samantala, ang mga nagsabi na sila ay nasa gitna nang pagiging mahirap at hindi mahirap ay umangat ng anim na puntos mula sa 27 porsiyento.
“This brings the 2023 annual average Self-Rated Poor families to 48 percent, the same as in 2022 and three points above the pre-pandemic average of 45 percent in 2019,” paliwanag ng SWS.
Sa pagtatantiya ng SWS, ang nagsabi na sila ay mahirap noong Disyembre ay 13 milyon at 13.2 milyon noong Setyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.