DBM ikinukunsidera ang P6.2T 2025 national budget

FILE PHOTO

Nasa P6.2 trilyon ang tinitingang National Expenditure Program (NEP), ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Pagbabahago ni Sec. Amenah Pangandaman na ang halaga ay natalakay na ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), na binubuo ng DBM, Department of Finance (DOF), National Economic and Development Authority (NEDA), Office of the President (OP), at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang halaga ay mas mataas ng halos P432 bilyon kumpara sa pambansang pondo ngayon taon na P5.768 trilyon.

Ayon pa kay Pangaandaman, halos magkatulad lamang sa napaglaanan ng pondo ngayon taon ang mga target na paggagamitan ng pondo sa susunod na taon.

Ito ay sa kalusugan, edukasyon, at sa Build, Build More infrastructure program ng administrasyon.

Madadagdagan naman ang pondo ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa isasagawang midterm elections sa Mayo 2025.

Read more...