Cebu Pacific kakasuhan ng mga na-stranded na pasahero sa India

By Den Macaranas July 02, 2016 - 10:28 AM

cebu-pacific
Inquirer file photo

Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Cebu Pacific sa ilan sa kanilang mga pasaherong nadelay ng tatlong araw ang flights mula Doha Qatar pauwi sa bansa.

Ipinaliwang ng Cebu Pacific na mas inuna nila ang safety o kaligtasan ng mga pasahero sabay ang pagdepensa na hindi naman nila pinabayaan ang mga ito.

Kahapon ay nakabalik na sa bansa ang mahigit sa 70 pasahero ng naturang airline company na tatlong araw na-stranded sa India matapos masiraan ang eroplano.

Galit na ikinuwento ng mga pasahero na delayed na nga ang flight nila pabalik sa Maynila nang bigla pang na-divert sa Chhatrapati Shivaji International Airport sa Mumbai India ang kanilang sinasakyang eroplano.

Sa kanilang advisory, sinabi ng Cebu Pacific na nagkaroon ng sira sa isa sa mga makina ang kanilang eroplano kaya kailangang ibaba sa pinakamalapit na airport ang mga pasahero noong June 29.

Sinabi ng mga apektadong pasahero na magsasampa sila ng kaukulang mga reklamo laban sa Cebu Pacific.

TAGS: cebu pacific, India, mumbai, qatara, cebu pacific, India, mumbai, qatara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.