Higit 20 pamilya sa Maco, Davao de Oro inilikas dahil sa baha

By Jan Escosio January 17, 2024 - 06:20 AM

PCG PHOTO

Umabot na hanggang baywang ang taas ng tubig-baha sa dalawang barangay sa Maco, Davao de Oro.

Bunga nito, inilikas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mahigit 20 pamilya nakatira sa Barangay Bucana at Barangay Hijo.

Dinala ang mga inilikas na residente sa evacuation center para sa kinauukulang ayuda mula sa lokal na pamahalaan.

Bunga ng malakas na pag-ulan ang pagbaha sa mga nabanggit na lugar.

Tiniyak naman ng PCG na nakahanda ang kanilang Deployable Response Group para sa pagsasagawa ng evacuation at rescue operations.

TAGS: baha, Evacuation center, PCG, baha, Evacuation center, PCG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.