Paglikha ng mga karagdagang korte aprubado kay Sen. Francis Tolentino
Inaprubahan ni Senator Francis “Tol” Tolentino ang paglikha ng mga karagdagang korte sa bansa para mabawasan at mapabilis ang paggawad ng hustisiya.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights, bubuo ng mga karagdagang Regional, Municipal, at Metropolitan Trial Courts sa 14 lugar.
Nilinaw ni Tolentino sa Korte Suprema kung ano-ano ang mga konsiderasyon para sa pagbuo ng mga karagdagang korte.
“One, what is the meaning of the term ‘manageable level’? Number two, magkano po ang halagang kakailangan pag nagtatag ng isang bagong husgado? Ang tinutukoy ko po dito ay hindi lamang yung physical structure kung hindi po yung suweldo ng clerk of court, ng court personnel. Pangatlo, ilan pong fiscal ang kailangan na i-deploy ng Department of Justice pag nagtatag ng bagong husgado?” pagtatanong ng senador.
Isinagot naman ni Court Administrator Justice Raul Villanueva maituturing na “manageable” para sa isang korte ang 300 kaso.
Iniendorso na ang panukalang pagbuo ng mga korte sa Rosario at San Juan (Batangas), Cabagan (Isabela), Navotas, Pagadian (Zamboanga del Sur), Antipolo City (Rizal), Calauag (Quezon Province), at Dinagat Islands.
Gayundin sa Island Garden City of Samal (Davao Del Norte), Malaybalay (Bukidnon), Ormoc (Leyte), San Carlos City (Pangasinan), San Juan City at Gingoog City (Misamis Oriental).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.