DA pursigidong matupad pangakong P20/K ng bigas ni Pangulong Marcos Jr.

By Jan Escosio January 16, 2024 - 07:14 PM

INQUIRER PHOTO

Determinado si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na bigyan katuparan ang ipinangako ni Pangulong Marcos Jr., na P20 kada kilo ng bigas.

Sinabi ni Laurel na nagsusumikap sila ng husto na mapataas ang produksyon ng bigas sa bansa.

Kabilang aniya sa kanilang mga ginagawa ay ang pagpapagawa ng farm-to-market roads at storage facilities.

Nasa 1.2 milyon na lupa pa rin aniya ang walang irigasyon at kailangan ng P1.2 trilyon pondo para masolusyonan ito.

Sabi pa ng kalihim na Laurel na mas maganda na may target na kailangang abutin ang gobyernopara maibaba ang presyo ng bigas.

Kapag nagawa ang lahat ng mga maaring gawin, bababa ang presyo ng bigas ng hanggang 5 porsyento at ngayon sabi pa ni Laurel, nakapadepende sa pandaigdigang pamilihan ang presyo ng bigas sa bansa.

TAGS: Bigas, DA, Irrigation, produksyon, Bigas, DA, Irrigation, produksyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.