Nagsingit ng P14B sa Comelec budget wanted kay Sen. Imee Marcos

By Jan Escosio January 16, 2024 - 03:14 PM

SENATE PRIB PHOTO

Nais ni Senator Imee Marcos na mahubaran ng maskara ang nagsingit sa General Appropriations Act ng P14 bilyon na ibinigay sa Commission on Elections (Comelec).

Nasorpresa si  Marcos nang mabunyag ang isiningit na halaga na pinangangambahang magagamit sa pagsusulong ng Charter change o Cha-cha.

Aniya maging siya na nagsisilbing vice chairman ng Committee on Finance at nanguna sa deliberasyon ng pondo ng Comelec ay walang alam ukol sa pagkakasingit ng naturang halaga.

Diin niya dapat ay maparusahan sa pinakamadaling panahon ang nagsingit ng halaga at ibalik sa tamang pagkakagastusan ang pondo.

Una nang ibinunyag ni Albay Rep. Edcel Lagman ang nailaan ng bicameral conference committee na P14 bilyon para sa Comelec bago naisabatas ang pambansang pondo para ngayon taon.

Aniya ang halaga ay gagamitin sa mga aktibidad para sa pag-amyenda sa 1987 Constitution.

TAGS: Bicameral Conference Committee, Cha-Cha, comelec, Imee Marcos, Bicameral Conference Committee, Cha-Cha, comelec, Imee Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.