Pusher at awol na pulis patay sa shootout sa Caloocan City

By Den Macaranas July 02, 2016 - 08:45 AM

crime-scene-620x413Patay ang isang drug pusher at ang kanyang ka-transaksyon na dating pulis makaraan silang makipag-barilan sa mga tauhan ng Caloocan City Police Station.

Kinilala ang mga biktima na sina Elmer Nicdao at dating PO1 Aljen Jaquines.

Si Nicdao ang sinasabing supplier ng droga sa North Caloocan City partikular na sa Bagong Silang District.

Sa After Operations Report, sinabi ng Caloocan PNP na ilang araw na nilang isinasailalim sa surveillance ang grupo ni Nicdao hanggang sa matiyempuhan nila ito kagabi.

Nasa akto umanong bumibili ng droga si Jaquines ng matunugan nila ang mga papalapit na mga tauhan ng pulisya.

Kaagad na nakipagbarilan ang mga suspek na naging dahilan ng kanilang kamatayan.

Nabawi ng mga pulis mula kina Nicdao at Jaquines ang ilang sachet ng shabu, cash, isang shotgun at isang Cal. 38 na baril.

Inaalam ngayon ng mga otoridad kung saan kumukuha ng illegal drugs si Nicdao at sa kung saang grupo siya ng sindikato kaanib.

TAGS: bagong silang, caloocan city, Illegal Drugs, PNP, pusher, bagong silang, caloocan city, Illegal Drugs, PNP, pusher

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.