DA: Walang ayuda sa mga magsasakang nabulukan ng mga gulay

By Jan Escosio January 16, 2024 - 01:00 PM

INQUIRER PHOTO

Diretsahang sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na walang maibibigay na tulong pinansiyal sa mga magsasaka na nabulok lamang ang mga produktong gulay.

Katuwiran ni Tiu Laurel Jr., walang nakalaan na pondo para sa pagbibigay ng ayuda.

“As of now, wala dahil we are technically, there is no fund to help them,” aniya dahil sa paniniwalang epektibo ang pagbibigay ng ayuda.

Naniniwala ang kalihim na mas makakatulong sa mga magsasaka ang libreng buto, abono at iba pa.

“As much as possible we’re trying to find ways na matulungan sila of course. I think that’s the job of the government. As of the moment, our team at the DA is trying to figure out what we can give them. As far as cash ayuda is concerned, I’m actually not a believer in that. I’d rather give farm implements like seeds, fertilizers, something else, or ano. Pero definitely we will try our best na makatulong tayo kasi ‘yan ang mandato natin,” pahayag ni Laurel.

Ilang magsasaka sa Benguet ang namigay na lamang ng repolyo dahil sa over supply habang ilang magsasaka naman ng sibuyas at cauliflower sa Nueva Ecija ang napeste naman.

Ayon kay Laurel, pinagsusumikapan ngayon ng pamahalaan na makapagtayo ng mga cold storage facility para maiwasan ang pagkabulok ng mga ani. Isa rin sa opsyon ni Laurel ay bilhin ng pamahalaan ang mga sobrang suplay ng gulay at ibenta sa mga Kadiwa stores.

TAGS: ayuda, benguet, DA, farmers, gulay, ayuda, benguet, DA, farmers, gulay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.