P0.90/L dagdag sa diesel, P0.30/L sa gasolina

Masusundan bukas ang pagtaas sa halaga ng mga produktong-petrolyo.

Base sa anunsiyo ng mga kompaniya ng langis, 90 sentimos ang madadagdag sa halaga ng kada litro ng krudo o diesel, samantalang 30 sentimos naman sa gasolina.

Samantalang, 90 sentimos din ang itataas ng presyo ng kada litro ng kerosene.

Ang pagtaas ay bunga ng nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan, kasama na sa Red Sea.

Noong nakaraang linggo 10 sentimos ang nadagdag na sa presyo ng bawat litro ng diesel, kerosene at gasolina.

 

Read more...