P50 minimum fare sa modern jeep malabo

By Jan Escosio January 15, 2024 - 04:21 PM

Walang basehan ang ipinapalutang ng ilang grupo na aabot sa P50 ang pinakamababang pasahe sa modern jeepney dahil sa isinusulong na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Ayon kay Office of Transportation Cooperatives Chairman Jesus Ferdinand Ortega 2017 pa mayroong modern jeepneys at mula noon hanggang ngayon ay dalawang piso lang ang diperensiya ng pamasahe  sa traditional jeepneys.

Dagdag ni Ortega, pagtaas sa presyo ng langis lang ang madalas na basehan ng taas-pasahe.

Sa bahagi naman ng Land Transportation Franchsing and Regulatory Board (LTFRB), sinabi ni Atty. Zona Russet Tamayo, regional director ng LTFRB-NC,  hindi lang ang ahensya ang nagdedesisyon sa taas-pasahe.

Mahigpit aniya ang koordinasyon nila sa National Economic and Development Authority (NEDA) sa bagay na ito dahil ang transport cost ay may epekto sa inflation kaya maingat na pinag-aaralan ang anumang adjustment.

Sa kasalukuyan, ang minimum na pamasahe ay P13 para sa traditional jeepney at P15 para sa modern jeepney.

TAGS: ltfrb, minimum fare, Modern Jeepney, neda, PUVMP, ltfrb, minimum fare, Modern Jeepney, neda, PUVMP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.