Epekto ng El Niño sa ekonomiya pinatutukan ni Pangulong Marcos Jr.

By Jan Escosio January 15, 2024 - 04:13 PM

Pinatutukan ni Pangulong Marcos Jr. ang ibat-ibang ahensya ng  gobyerno ang epekto ng El Nino sa ekonomiya.

Katuwiran ng Punong Ehekutibo, hindi maikakaila  na aabutin pa ng hanggang halos kalahati ng taon ang panahon ng tagtuyot.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., mahalaga na agad na ipatupad ang mga hakbangin upang hindi sumirit ang presyo ng pagkain dahil sa kakulangan ng produksiyon.

Aniya, pagkain ang nangungunang dahilan ng pagbilis ng inflation at bagaman maganda na aniya ang itinatakbo ng ekonomiya, hindi pa rin dapat magpaka kampante dahil mayroon pang mga hamon na maaari aniyang magpabagal o posibleng maging dahilan ng pagkasira ng positibong pagtaya sa ekonomiya ng bansa.

Sabi pa nito, kabilang ang lumalalang tensyon sa pulitika sa ibang bansa ay maaaring makaapekto sa pandaigdigang kalakalan, magpahirap sa global financing at mag-udyok ng fuel at food shock na maaring magdulot na naman ng pagbilis ng inflation.

Pagdidiin din ni Pangulong Marcos Jr, isang hamon ngayon sa lahat ay hindi lamang palaguin ang ekonomiya kundi tiyakin na mararamdaman ng publiko sa lahat ng panig ng lipunan lalo na sa larangan ng imprastraktura, health care systems at educational system

TAGS: economy, El Niño, food security, economy, El Niño, food security

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.