Pangulong Marcos Jr., ayaw din sa People’s Initiative – SP Zubiri

By Jan Escosio January 15, 2024 - 03:24 PM

Para matuldukan na ang mga kontrobersiyang bumabalot sa People’s Iniative, inatasan ni Pangulong Marcos Jr., ang Senado na pangunahan ang pag-aaral na marebisa ang “economic provisions” ng 1987 Constitution.

Ito ang ibinahagi ni Senate President Juan Miguel Zubiri matapos ang kanyang dalawang beses na pakikipagpulong kay Pangulong Marcos Jr., sa Malakanyang noong nakaraang linggo.

Aniya sa unang pulong ay ipinarating niya sa Punong Ehekutibo ang saloobin ng mga kapwa senador.

Banggit pa ni Zubiri tila nagtaka si Pangulong Marcos sa isyu ukol sa People’s Iniative kayat pinag-usap sila ni Speaker Martin Romualdez.

Makalipas ang dalawang araw, nakipagpulong aniya sila ni Romualdez kay Pangulong Marcos Jr., kasama niya si Senate President Pro Tempore Loren Legarda,  samantalang kasama din sa pulong si Special Assistant to the President Anton Lagdameo at Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos.

Sabi pa ni Zubiri na maging si Pangulong Marcos Jr., ay tutol sa People’s Iniative, kung saan ay mababalewala ang boto ng mga senador sa pag-amyenda sa Saligang Batas.

Inatasan naman nito si Sen. Sonny Angara, chairman ng Committee on Finance, para pamunuan ang sub-committee ng Committee on Constitutional Amendments na kikilos para sa pag-amyenda sa economic provisions.

Kanina ay inihain na rin ni Zubiri ang Joint Resolution No. 6 para sa naturang balakin at aniya magiging prayoridad ito sa pagbabalik sesyon ng Kongreso sa susunod na linggo.

TAGS: Cha-Cha, House, Senate, Cha-Cha, House, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.