Cyber libel complaint ng Naga City mayor vs ex-VP Leni supporter, ibinasura

By Jan Escosio January 13, 2024 - 01:09 PM

INQUIRER PHOTO

Dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya at basehan, ibinasura ng Naga City Prosecutor’s Office ang reklamong cyber libel ni Mayor Nelson Legacion laban sa isang pribadong indibiduwal.

Sa 12 pahinang resolusyon ni Investigating Prosecutor Ruben T. Almerol Jr., sinabi nito na wala siyang nakitang malisya sa naging komento ni Domina Bien Realda sa isang survey sa “Bagong Bicol” Facebook page ukol kay Legacion. Ang komento ni Realda ay sa survey post ukol sa pagpili sa pagitan nina Legacion at dating Vice President Leni Robredo na ihahalal na mayor ng lungsod sa 2025 local election. Sa naging reklamo ni Legacion, nag-komento sa naturang survey si Realda na siya diumano ay isang tiwaling opisyal. Sinabi pa ng opisyal na lubhang mapanira sa kanyang pagkatao at reputasyon ang komento ni Realda kayat humantong sa pagrereklamo niya ng cyber libel laban sa huli alinsunod sa Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012. Ngunit sa kanyang counter-affidavit, ikinatuwiran ni Realda na pinili lamang niya sa survey si Robredo at ang kanyang komento ay sagot lamang sa komento ng isa pang netizen. Pagdidiin lamang din niya ipinaliwanag lamang niya ang sagot niya sa survey. Ipinahiwatig din Almerol na ang isang opisyal ng gobyerno ay dapat bukas sa mga batikos at puna ng mamamayan. Ang paliwanag at mga katuwiran ni Almerol sa pagbasura niya sa reklamo ni Legacion ay sinang-ayunan ni City Prosecutor Ruvi Jean Villagomez – Cariño.

TAGS: cyber libel, election, Mayor, naga city, survey, VP Leni Rbredo, cyber libel, election, Mayor, naga city, survey, VP Leni Rbredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.