100 sako ng “ukay-ukay goods” nasabat sa Sorsogon
Naharang ng mga awtoridad ang pagpupuslit ng 1oo sako na naglalaman ng “ukay-ukay goods” sa Matnog Port sa Sorsogon.
Base sa impormasyon mula sa Philippine Ports Authority (PPA), nakatanggap ng impormasyon ang Coast Guard Sub-Station Matnog na isang truck na naglalaman ng ukay-ukay ang papasok sa pantalan.
Alas-4 ng madaling araw ng Enero 11, pumasok ang truck at nang siyasatin ay nadiskubre ang sako-sakong “ukay ukay goods.”
Inaresto na ang driver at dalawang sakay pa ng truck at maari silang maharap sa paglabag sa RA 4653, na nagbabawal sa pagpupuslit ng “ukay ukay” dahil itinuturing itong kontrabando.
Ililipat sa kustodiya ng Bureau of Customs – Port of Legazpi ang mga nasabat na kontrabando, na tinatayang nagkakahalaga ng P3 milyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.