Wrong timing pa ang Cha-cha – Sen. JV Ejercito

By Jan Escosio January 12, 2024 - 10:13 PM

Maraming seryosong isyu na mas nangangailangan ng atensyon at panahon.

Ito ang tugon ni Deputy Majority Leader JV Ejercito kaugnay sa umuugong na mga hakbang para amyendahan ang 1987 Constitution.

Sinabi pa ni Ejercito na “wrong timing” sa ngayon ang Charter change dahil na rin sa kinahaharap na mga hamon sa bansa.

Diin na lamang din niya na sa kanyang pakagay ay hindi makakatulong ang pagbabangayan ng mga pulitiko

Halos ito rin ang reaksyon ni Majority Leader Joel Villanueva sa isyu.

Aniya hindi sagot ang Charter change sa gutom, kawalan ng trabaho, pagtaas ng halaga ng mga bilihin maging sa El Nino.

Paglilinaw lamang din niya ang pag-ayaw sa Charter change ng ilang senador ay hindi pansarili lamang kundi pag-iisip sa kapakanan ng sambayanan.

TAGS: Cha-Cha, JV Ejercito, senate, Cha-Cha, JV Ejercito, senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.