Dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya, ibinasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang reklamong grave threat ni ACT-Teachers Representative France Castro’laban kay dating Pangulong Duterte.
Nag-ugat ang reklamo ni Castro sa pagbabanta ni Duterte na papatayin niya ang una sa kanyang programang “Gikan sa Masa” sa Sonshine Media Network International.
Itinanggi ni Duterte ang akusasyon ni Castro sa katuwiran na hindi direkta ang pagbabanta.
Sinabi pa ni Duterte sa kanyang sagot sa reklamo na propaganda lamang ang paghahain ng reklamo dahil kritiko ng kanyang administrasyon ang babaeng mambabatas.
Nakasaad sa resolusyon na panay ang pagbibiro ng dating pangulo sa naturang programa kayat maituturing na hindi seryoso ang inireklamong pagbabanta niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.