Imee sa destab plotters: Ingat kapag nagalit si Pangulong BBM

By Jan Escosio January 12, 2024 - 09:55 AM

Mistulang kinumpirma ni Senator Imee Marcos ang umuugong na planong pabagsakin ang administrasyon ng kanyang kapatid, si Pangulong Marcos Jr.

Ayon sa senadora naniniwala siya na nagmumula sa loob ang sinasabing plano bagamat hindi ito nagbigay ng karagdagang detalye.

Pagbahahagi pa niya, nagkausap na sila ng nakakabatang kapatid ukol sa plano at aniya ipinagkibit balikat lamang ito ng Punong Ehekutibo.

Pinayuhan na lamang aniya ang kapatid sabay babala sa mga nasa likod ng masamang balakin.

Diin ni Marcos hindi magugustuhan ng kahit sino kapag nagalit ang Punong Ehekutibo kayat nararapat na magdalawang-isip ang mga may masamang balakin.

Una nang ibinasura ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at pambansang pulisya na may plano na pabagsakin ang administrasyong-Marcos Jr.

TAGS: AFP, destabilization plot, PNP, Sen. Imee Marcos, AFP, destabilization plot, PNP, Sen. Imee Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.